Tech Tips: Pabilisin at i-Upgrade ang Lumang Laptop

Laptop Fix

PAALALA: Ang tutorial na ito, simple man, ay nangangailangan pa rin ng basic knowledge sa computer at mga parte nito. Hindi pananagutan ng kailo.tech ang anumang damage na maaaring mangyari sa iyong laptop or gadget.

Ngayon panahon ng pandemic, nagsimula na ang transition sa blended learning, kung saan isa sa pangunahing paraan ng pag-aaral ay online o paggamit ng internet. Kasabay nito ang pangangailangan ng gadgets tulad ng laptop, tablet at cellphone.

Hindi lahat ay may pambili ng mga gadgets, kaya kung mayroon kang lumang laptop na hindi magamit dahil pakiramdam mo sobrang bagal neto pero kailangan mo or ng pamilya mo sa online classes, sa blog na ito ililista natin ang mga paraan kung paano papabilisin ang takbo ng laptop mo para makasabay sa modernong panahon.

Step 1: Palitan ang HDD ng SSD

Ang disk drive ay ang pangunahing storage hardware component ng iyong laptop kung saan ang Operating System at iba mong files ay naka-save. Karaniwan itong naka-label na “C:/” sa iyong “My Computer” or “This PC”. Ang pagswitch mula HDD sa SSD ay magbibigay kaagad ng malaking performance boost.

Ang HDD ang mas tradisyonal o lumang teknolohiya kumpara sa SSD.

HDD: An enclosure contains a series of platters covered by a ferromagnetic coating. The direction of the magnetization represents the individual bits. Data is read and written by a head (similar to the way vinyl record albums work) that moves extremely fast from one area of the disk to another. Since all of these pieces are “mechanical,” the hard disk is the slowest component of any computer – and the most fragile.[1]

Ang SSD (Solid State Drive) naman ay ang mas modernong disk drive.

SSD: These newer types of disks store information on flash memory, which consists of individual memory cells storing bits that are instantly accessible by the controller.[1]

Isa sa pinakamadaling palitan sa laptop ang disk drive. Alamin ang model ng laptop na gamit mo, magsearch muna sa Google kung mayroon ng video or YouTube tutorial kung paano palitan ang HDD ng SSD.

Makikita sa mga sumusunod na larawan kung paano ko pinalitan ang aking HDD sa SSD.

Narito ang aking lumang laptop at kung saan makikita ang disk drive slot.

laptop back disk drive slot

Ang karaniwan pagtanggal nito ay pag-slide palabas sa saksakan or socket.

disk drive push to remove

Eto ang halimbawa ng comparison ng laptop HDD at SSD:

hdd ssd comparison
hdd ssd back comparison
hdd ssd side comparison

Para makita ang details ng iyong laptop tulad ng model, kung ang gamit mo ay Windows, maaari mong i-search ang katagang “System Information” para sa modelo ng iyong laptop.

system info

Makikita dito ang detalye ng iyong computer.

system info details

Ang karaniwan physical size ng HDD at SSD sa laptop ay 2.5″, pero mas mainam na dalhin mo ito sa computer shop kung saan ka bibili ng SSD. Ang karaniwang presyo ng SSD ay P1,200-P5,000. Depende ito sa capacity at brand, maaaring mas mura o mas mahal pa.

Maaari din i-check sa crucial.com ang mga compatible na SSD sa iyong laptop. Ang recommended na SSD brand ay ang Samsung EVO SSD. May iba pang brand at mas mura, malaya kayong mamili at magresearch.

Eto ang isang sample video from YouTube kung paano i-upgrade sa SSD ang laptop mo.

Step 2: Dagdagan o palitan ng mas mataas na RAM

Kung nakapagpalit kana ng SSD at gusto mo pang mas maraming magawa sa laptop mo, maaari kang magdagdag or magpalit ng RAM. Ano naman ito? Kung ihahalintulad ang kompyuter sa tao, ang RAM ay ang mga kamay mo. Sa kompyuter, RAM ang nagbibigay ng kakayahan para makagawa ito ng mas maraming bagay tulad ng pag-browse sa Facebook, paglalaro ng games, panonood ng YouTube ng sabay sabay. Sa tao, gamit ang dalawa mong kamay pwede kang kumain habang naglilipat ng channel sa TV. Mas mataas na RAM ay mas maganda.

RAM allows your computer to perform many of its everyday tasks, such as loading applications, browsing the internet, editing a spreadsheet, or experiencing the latest game. Memory also allows you to switch quickly among these tasks, remembering where you are in one task when you switch to another task. As a rule, the more memory you have, the better. [2]

Maaaring magsearch sa Google at YouTube ng mga tutorial kung paano tatanggalin ang RAM sa iyong specific na laptop model.

Makikita sa mga sumusunod na larawan kung saan naka-posisyon ang akin RAM slot, paano ito tanggalin at ano ng itsura nila.

ram back slot

Ang karaniwan pagtanggal nito ang papush ng mga clips palabas. Sa aking laptop, may dalawa akong RAM slot.

ram slot pins

Mag pa pop-out ang RAM.

ram slot pop-out

Dito makikita kung ano ang itsura ng RAM sticks kapag natanggal na sa laptop.

ram sticks
ram sticks

Ang karaniwang presyo ng RAM ay P700-P2,000, depende pa rin sa compatibility, capacity, model at brand. Hindi katulad ng pagpapalit ng HDD sa SSD, mas kumplikado ang RAM dahil kailangan mong ikonsidera ang mga technical na bagay tulad ng frequency at type (DDR2, DDR3, etc…). Mas mainam na pumunta sa shop dala ang iyong lumang RAM.

Kung mas “techie” ka at confident ka sa paghahanap ng tamang RAM stick, maaari mong makita ang details ng hardware mo gamit ang CPU-Z application. Makikita sa CPU-Z ang mga detalye ng iyong mga hardware component, halimbawa sa RAM ay ang frequency at ang type of RAM (DDR2, DDR3, etc…).

Step 3: Mag-update ng settings sa Windows Operating System (OS)

Para mas mapabilis ang performance ng iyong laptop, maaari mong gawin ang mga sumusunod:

A. I-turn off ang mga visual effects

Pumunta sa 1) “This PC” or “My Computer”, 2) right click sa bakanteng space piliin ang “Properties”.

This PC Guide

Pindutin ang “Advanced system settings”.

Advance Settings

Sa “System Properties”, pindutin ang “Settings”.

Performance Settings

Dito ang importanteng parte. Piliin ang “Custom” at i-uncheck ang mga effects na gusto mong tanggalin.

Custom Settings

Wag kalimutan pindutin ang “OK” para ma-save ang settings.

B. I-set ang battery settings sa “Best Performance” or “High Performance”

Sa bottom-left ng iyong kung saan makikita ang battery icon, right click at piliin ang “Power Options”.

Bubuksan neto ang “Power Options” window. Piliin ang “High Performance” option. PAALALA: Maaaring uminit ang iyong laptop kaya siguraduhin na may sapat na ventilation sa ilalim tulad ng paglalagay ng laptop cooler.

C. I-disable ang boot animation

Search ang “msconfig”.

Magbubukas ito ng window, pindutin ang “Boot” tab ang sigurahin na naka-check or naka-select ang “No GUI boot”.

Step 4: Mag-install ng mas magaan na Operating System (OS)

Ang Windows 10 ay fully optimized at mabilis na kumpara sa mga lumang versions neto. Ngunit kung wala kang copy or medyo mabigat sa bulsa ang pagbili ng product key, maaari kang mag-install ng free Operating System sa iyong laptop. Ang mga karaniwan na OS na pwede mong iinstall ng libre ay mga Linux Distros/Distribution. Linux ang pangunahing operating system o kernel pero may nakapatong na version or flavor.

A Linux distribution (often abbreviated as distro) is an operating system made from a software collection that is based upon the Linux kernel and, often, a package management system.[3]

Linux is a family of open source Unix-like operating systems based on the Linux kernel, an operating system kernel first released on September 17, 1991, by Linus Torvalds. Linux is typically packaged in a Linux distribution.[4]

Maaari mong icheck ang mga links sa baba para sa mga recommended at populate na Linux Distro.

  • Ubuntu Desktop OS – Isa sa mga pinaka sikat na Linux Distro na may malaking community, kaya kung magkaroon ka man ng problema, chances are makakakita ka ng solution sa forum page nila. Isa din ito sa mga user friendly na OS.
  • Zorin OS – Wala akong masyadong experience sa OS na ito, ngunit ayon sa description, ang user interface nito ay maihahalintulad sa Windows at Mac OS.

Kung nagawa mo ang steps 1 at 2, malaking improvement na ito sa laptop mo. Kung medyo tight ka sa budget, unahin ang pagpapalit ng SSD. Kung nakatulong ang blog post na ito, magiwan ng komento at i-share sa iba mong kakilala 🙂

References:

  1. https://www.avast.com/c-ssd-vs-hdd
  2. https://www.crucial.com/articles/about-memory/support-what-does-computer-memory-do
  3. https://en.wikipedia.org/wiki/Linux
  4. https://en.wikipedia.org/wiki/Linux_distribution

Image Credit:

  1. https://pixabay.com/vectors/computer-hand-help-laptop-helping-2851285/

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *