GMA Affordabox Review – Unboxing, Expectations and Reality

Ano nga ba ang GMA Affordabox? Ito ay basically isang set ng digital receiver na may media player at indoor antenna. Ang media player ay maaaring magplay ng videos gamit ang iyong USB disk at maaari din magrecord. Ang indoor antenna naman ay ang sasagat ng signal ng mga free broadcasting TV channels sa iyong area. Kung pamilyar ka sa mga antenna na kinakabit sa bubong ng bahay at mga matataas na kawayan, yun lang din ang kakayahan ng isang indoor antenna, ang pinagkaiba ay nasa loob lang siya ng bahay mo.

Anong laman ng box?

  • GMA Affordabox unit with AC plug
  • Indoor antenna to be screwed onto a mounting base with 5m cable
  • Remote control with two (2) size AAA batteries
  • AV cable
  • Quick Installation Guide
  • User Manual
  • Warranty Card

gma affordabox

gma affordabox details

gma affordabox components

gma affordabox components

Features:

  • Digital TV receiver
  • Multimedia player
  • Personal video recorder
  • Broadcast markup language
  • Emergency Warning Broadcast system
  • Functional Auto-on Alert
  • Digital Display
  • Info Display services

Set Up

Nirerekomenda ko na i-check ang GMA Affordabox FAQs page para sa kung paano gamitin at i-setup.

Eto finalize setup, pero connected ang box sa TV gamit ang HDMI cable.

gma affordabox setup

Ayon sa FAQs page, maaaring gumamit ng ibang antenna at nirerekomenda nila ang outdoor na may taas na 10 metro.

Medyo makapal ang remote na may konting slanted design, ang naaalala ko medyo pang kudkod ng yelo 🙂

gma affordabox remote

User Interface

Ang user interface ay medyo common or I guess medyo old school ang dating. Eto yun mga interface na usually nakikita ko sa mga media player 10 years ago.

gma affordabox user interface

Dito mo makikita kung paano ka makakapag-add ng channels. Pindutin lamang ang “Auto Search”.

Dito makikita ang “Software Update” option kung saan maaari mong i-update ang software ng TV box. Ayon sa FAQs page, may dalawang paraan para mag-update: 1) Maaari daw mag-update gamit ang OTA o over-the-air 2) i-Download sa FAQs page ang ang file na ilalagay mo sa USB disk at isasaksak sa TV box para mag-update.

Para sa OTA, ang pagkakaalam ko ay ginagamitan ito ng internet, hindi ko alam kung makakapag-access ng internet ang TV box. Pero maaari mo naman idownload ang update, ilagay sa USB at isaksak sa USB port ng TV box. Makikita mo sa FAQs page nila ang link kung saan idodownload ang update file.

Nag-update ako ng software at so far wala naman major changes sa user interface at wala naman akong napansin na additional features.

gma affordabox usb upgrade

gma affordabox upgrade in progress

Dito mo makikita at magkaka-access sa USB disk or external storage na nakasaksak sa USB port ng box.

Kapag pinindot mo ang “Signal”, makikita mo ang signal strength at quality ng napiling channel.

gma affordabox signal checker

TIPS o Nice to Know:

  • Magnet ang base ng antenna, magagamit mo ito para idikit or para kumapit sa mga metal na bagay.
  • May signal checker na nagsasabi ng lakas at quality ng signal ng channel, magagamit mo ito para mapadali ang pag-adjust sa antenna, hanapin sa remote ang salitang “Signal” at pindutin.
  • Hindi pwede palitan ng ibang remote ang GMA Affordabox (ayon sa kanilang FAQs).
  • Maaaring gumamit ng ibang antenna (ayon sa kanilang FAQs), nirerekomenda nila ang outdoor antenna na nakasabit sa poste na may taas na 10 metro.

Should you buy one?

Oo kung…

  • Walang masyadong harang sa paligid tulad ng makakapal na pader, buildings, etc…
  • Kung ilalagay mo ang indoor antenna na malapit sa bintana o sa mas mataas na bahagi ng iyong bahay tulad ng 2nd floor
  • Kung gusto mo ng additional features sa TV or monitor mo tulad ng pagplay ng USB stick
  • Kung mahilig kang manood ng GMA shows or ng free TV channels

Hindi kung…

  • Nakatira ka sa area na maraming haharang sa signal ng indoor antenna
  • Kung ang hilig mong panoorin palagi ay nasa internet
  • Kung TV mo ay may smart features o isa siyang Smart TV. Maaari kang bumili ng outdoor antenna na kayang sumagap ng digital TV channels, hindi mo na kailangan ng TV box at directang nakasaksak ang antenna sa iyong Smart TV.

Final Thoughts

Sa aking personal na experience, location ang pinakamalaking factor para makasagap ng magandang reception gamit ang indoor antenna. Kahit na nasa mataas kaming building, marami din building at pader ang nakaharang kaya balewala din ito. Maaari mong icheck ang blog article na ito kung paano i-improve ang reception. Sa akin ang kaya ko lang masagap ay iilang channels tulad ng GMA 7, GMA News TV, HallyPop, Heart of Asia, TV5, One PH. Sa akin baka bumili na rin ako ng outdoor antenna para lang medyo mas stable ang reception. Makakabili ka ng GMA Affordabox sa official GMA store sa Lazada at Shopee sa halagang P888 (SRP). Maaari mo din itong mabili sa physical stores tulad ng appliances store, department store at hardware store tulad ng True Value.

Kung nagustuhan mo ito at nakatulong sa iyo, share mo sa friends mo 🙂 Para sa other tech reviews, i-visit lang ang Should You? page.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *